Chapter 66

1407 Words

MAHIGPIT na yakap ang isinalubong ni Madam Emilia kay Grant pagbaba pa lang namin ng sasakyan. Lumapit din ako at pinanood sila. Umiiyak si Madam Emilia. Bakas sa mukha niya ang sobrang lungkot at pag-aalala. Sa likuran nito ay naroon ang isang nurse. Sa tingin ko ay sadyang nakaalalay iyon dahil sa hindi magandang kondisyon ng babae. “Mommy, si Celine. Asawa ko at manugang mo.” Narinig kong sabi ni Grant nang pakawalan nito ang Mommy niya. Tumingin sa akin si Madam Emilia. Hindi ko malaman kung paano ko siya babatiin. Isang matipid na ngiti na lang ang ibinigay ko at lumapit upang magmano. Ganoon kasi ang alam kong gawi ng bagong kasal sa mga magulang ng isa't isa. Maliit na ngiti at banayad na tango lang ang itinugon sa akin si Madam Emilia. Pagkatapos noon ay umiiyak na bumaling na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD