SA isang ospital na ako nagkamalay. Ilang beses na bang nangyari sa akin ito? Sa tuwing mawawalan ako ng malay ay magigising ako na nasa ospital ako. Una kong tiningnan ang ayos ko. Nakita ko ang maliit na piraso ng bulak at medical tape sa aking braso. Wala akong malay sa ginawa sa akin sa loob ng emergency room, pero sa tingin ko ay kinuhanan nila ako ng blood samples. Kinabahan ako sa naisip. May sakit ba ako? Is it something serious? “Pangga…” tawag sa akin ni Grant. Hindi ko napigilang ngumiti nang matagpuan ko siyang nakaupo sa tabi ng hospital bed. “Thank God you’re awake,” aniya at hinawakan ako sa mga kamay saka paulit-ulit na hinalikan doon. Dumukwang siya sa kama at hinalikan din ako sa bibig. "You scared me. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango ako. Naalala ko ang mga na