NATULOS ako sandali bago ko nagawang lumingon sa aking likuran. Halos magdikit ang mga kilay ni Grant nang magtama ang aming mga mata. “Totoo ba 'yon? Si Matthew ang tumulong sa’yo no’ng umalis ka sa Pangasinan? Siya ang nagdala sa’yo sa Cebu? Siya ang nagpaaral sa’yo at sa kaniya rin galing ang negosyo mo?” Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Attorney. “Grant, don't make it an issue. Kusang-loob na tulong ko ‘yon kay Celine-” “Shut up!" sigaw ni Grant sabay duro sa pinsan. "Ang sabihin mo, sinadya mong ibaon sa utang na loob si Celine para makuha mo siya!” “Pangga, huminahon ka muna, please?” Napatingin ako sa paligid. May ilang kapitbahay kami na naroon sa labas ang sa tingin ko ay nakapansin sa amin. “Wala akong masamang intensiyon sa ginawa ko. She needed help. Tinulunga