HINDI na namin namalayan ang paglipas ng oras. Madilim na pala, pero naroon pa rin kami ni Grant sa living room, nakahiga habang magkayakap sa sofa. Hindi nga ako makapaniwalang nagkasya kami roon. Lampasan lang marahil ang mga binti ni Grant. “Gabi na pala, Pangga,” sabi niya at inalalayan ako sa pagbangon. “Oo. Magsasaing na pala ako,” sabi ko at tatayo na sana para buksan ang ilaw, pero pinigilan ako ni Grant. Siya na ang kumilos at nagbuhay ng ilaw sa living room. Nang lumiwanag ay nakita ko sa mesita ang mga pagkain na ipina-deliver namin kanina. “Mabuti at may ulam na tayo sa hapunan.” Ang tatlong pirasong fried chicken na natira namin ang tinutukoy ko. Hindi nga rin nagalaw ang sundae at isa pang softdrinks kaya ipinasok ko na lang sa ref kasama ng aking buko-milk shake. Excite