ILANG minuto paglabas ni Madam Emilia ay pumasok si Judge Gamboa. Tatayo sana ako, pero agad niya akong sinenyasan. “Remain on your seat. May mahalaga tayong pag-uusapan kaya kita pinapunta rito.” Sinasabi niya iyon habang patungo siya sa likod ng office table. Naupo siya sa kaniyang swivel chair. “Tungkol po saan ang pag-uusapan natin, Judge?” “Tungkol sa mga apo ko. I know that you’re involved with them both," direchong sabi niya dahilan para matulos ako. Kabado kong sinalubong ang tingin ng matanda. “M-may hindi po kayo naiintindihan sa nangyayari, Judge-” “I don’t care. Just leave my grandsons alone. Masyadong komplikado ang sitwasyon n’yong tatlo. Hindi ako tatahimik lang at panonoorin na nag-aagawan sina Matthew at Grant sa isang babae.” “Hindi rin ako tatahimik lang at panono