MISTULA akong natuka ng ahas. Kung hindi pa ako inalalayan ni Attorney Matthew na tumayo ay hindi ako makikilos. Iniharap niyang mabuti sa akin ang laman ng kahon na hawak. Ilang beses kong pinaglipat ang aking tingin sa singsing at sa mukha ng abogado. Titig na titig siya sa akin, halatang naghihintay ng sagot. Inulit pa niya ang tanong nang hindi ako kumibo. “Will you be my wife?” "No!" Nagulat ako nang may sumigaw. Lahat kami ay nabaling bigla ang atensiyon kay Alyssa. Tumayo siya at tiningnan muna ako nang masama bago bumaling kay Attorney. "You can't do this to me! Hindi ako papayag!" "Alyssa, what's happening to you?" gulat at litong tanong ni Madam Emilia. Napatayo na rin sila ni Doc Tommmy. Bumunghalit ng iyak si Alyssa. Nawala nang tuluyan ang isip ko sa iniwang tanong ni