Chapter 48

1736 Words

ALARM clock ang gumising sa akin kinaumagahan. Si Sir Grant agad ang unang pumasok sa isip ko pati na ang nangyari sa amin kagabi. Naalala ko na sa braso niya ako nakatulog kaya hindi ko alam kung anong oras niya ako iniwan at kung dito talaga siya sa bahay nagpalipas ng magdamag. Pwede kasing nagparaos lang siya at pagkatapos ay umalis na rin agad. Naligo na ako, nagbihis at nag-ayos ng mukha at buhok. Tumawag maya-maya si Rona. On the way na raw siya sa salon. May kinuha rin akong isa pang assistant na makakasama namin. Dahil opening, sigurado ang dagsa ng tao. Isang linggo na akong kinakabahan sa tuwing maiisip ang araw na ito but at the same time, sobrang excited ako. Bumaba ako sa masarap na amoy na nanggagaling sa kusina. Halos mahulaan ko na kung ano ang iniluluto ni Ate Denden a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD