LUMIPAS ang mga araw. Regular ang paghatid at pagsundo sa akin ni Attorney Matthew. Hindi na siya ulit nagtangkang halikan ako. Siguro ay naramdaman din niya na hindi ako komportable at hindi naman namin kaharap ang pamilya niya na siyang pinapakitaan namin ng pekeng relasyon. Sobrang naging busy ako sa salon sa nagdaang dalawang linggo. Subalit sa tuwing mag-isa na ako at bago matulog ay hindi ko maiwasang isipin si Sir Grant. I don’t know where he is. Hindi na ulit siya nagpakita sa akin sa salon man o sa bahay ng pinsan niya. Hindi siya tumatawag o nagte-text. I cannot deny the fact that I miss him and I worry about him. I tried to call him once, pero unavailable ang numerong ginamit niya sa pag-text sa akin. Sumapit ang kaarawan ni Judge Gaudencio Gamboa at mahigpit ang bilin ni Mad