MAHINAHON ang paghalik niya. Walang bakas ng pagmamadali at animo tinitikman ang bawat sulok ng aking bibig. Parang tukso ang may ritmong paghagod ng dila ni Sir Grant at aminado akong pinasasabik ako ng mabagal na paggalaw niya kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kasabay ng pagdulas ng palad ko paakyat sa kaniyang batok ay kusang bumukas ang mga labi ko at tinugon ang mga halik niya. I didn’t follow his movement. Iniba ko ang tiyempo ng akin at sinikap na mapasunod siya. I succeeded. Naging mas agresibo at sabik kami. Sumabay sa mainit na halikan namin ang paggapang ng mga palad ni Sir Grant na lalong dumarang sa aking katawan. Tumatakas na ang mahihinang ungol sa lalamunan ko nang bigla ay naalala ko ang opening ng aking salon kinabukasan. Napamura ako sa aking isip. Kailangan k