*****KWINEE***** Hinihintay ni Kwinee ang van na pakikisabayan. Uuwi na siya ng probinsya nila sa San Ildefonso. Noong isang araw pa nagluwag ang quarantine ng buong NCR at laking pasalamat niya dahil napasama ang San Ildefonso, pero ngayon lang siya nakapagdesisyon na bumalik na sa kanyang pinanggalingan. Wala nang saysay na ipaglaban niya ang pangarap na maging sikat na artista dahil nag-lie low na ang buong industriya dahil sa Covid-19. Ang pinapaburan na lamang ng management na bigyan ng project ay ang mga sikat na talaga. Ang katulad niyang pasikat pa lamang ay suwerte na kung makakuha ngayon ng project. Wala na siyang kalaban-laban. Siguro ay magpahinga na lamang siya nang kusa. Saka na siya babalik kung bibigyan pa siya ng tsansa pagkatapos ng pandemic. Mahirap pa dahil lock in

