*****KWINEE***** Pangalawang araw na niyang nagbabantay sa ospital. At dahil umayos naman daw kahit paano ang lagay ni Reynan ay inilipat na ito sa VIP suite mula sa ICU. Kahit papaano ay nakabawas sa bigat ng dibdib nila iyon. Pati man ang Mama ni Madam Azon ay naginhawaan noong nalaman iyon. Hindi na masyado nag-iiyak ang matanda kapag tumatawag kay Manang Glo. Gustong-gusto talagang umuwi si Madam Azon pero wala naman itong magawa. Hindi sila makauwi kahit ganoon ang kalagayan ng anak dahil nasa restriction pa ang bansang Singapore. Hindi pa pumapayag doon na lumabas at pumasok sa bansa nila ang mga taga ibang bansa. Siya na lang ang nagsasabi lagi sa Madam na wala itong dapat ipag-alala dahil kasama na siya ni Manang Glo na nagbabantay kay Reynan, that she will not leave Reynan's s

