****VERNON**** Hindi matandaan ni Vernon kung paanong nakarating siya sa condo unit ni Maja, but what the heck, wala siyag pakialam. He just wanted her in bed. Kailangan niya ng babae kundi mababaliw na siya. “Akala ko kinakalimutan mo na ako, babe. Akala ko hindi mo na hinahanap ang alindog ko,” nang-aakit ang mga tingin ni Maja na sabi. Hinaplos nito ang kanyang mukha. Nakapatong na siya rito, pero para siyang nagha-hallucinate na mukha naman ni Anasia ang kanyang nakikita sa mukha nito. Napakariing ipinikit niya ang mga mata at ipinilig ang ulo. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang nababaliw na siya dahil lang nalaman niyang may legal na na asawa si Anasia? Ano naman kung gano’n? Mabuti nga iyon dahil hindi naman niya talaga nanaisin na maging asawa ang babaeng iyon habambuhay

