*****VERNON***** Matagal na nakatitig si Vernon sa papel na hawak-hawak. Ibinigay iyon kanina ng kanyang isang tauhan na inutusan niya magtungo sa San Ildefonso. At pakiramdam niya ay kunukurot ng pinong-pino ang kanyang puso habang binabasa ang pangalan na Anasia Rosero sa papel na iyon. Ang saya pa naman niya kanina dahil sa unang pagkakataon ay pinadalhan niya ng bulaklak ang asawa. Totoo siya sa sinabi na gusto niyang magsimula sila ni Anasia. Gusto na niyang maging mabuting asawa, susubukan niya, pero ganito ang malalaman niya. What the hell! Napakasamang tingin ang iginawi niya sa kanyang tauhan. Nakatayo ito sa may likod ng couch. Naghihintay sa ano mang iuutos niyang muli. Nasa mukha nito ang takot dahil sa nagniningas niyang galit. “Where did you get this?” tanong niya sabay

