*****ANASIA***** Naroon na siya nakatayo sa gilid ng pool ng mansyon, swimming pool na parang kasing size na yata ng nasa olympic sa lawak. Nakahalukipkip siyang panay ang buntong-hininga. Tila ba ay noon lang siya nakahinga nang maluwag. Kung sa bagay, nasasakal nga pala talaga siya kapag malapit sa kanya ang presensya ng ama ng kanyang asawa. Ito na ang sinasabi niya, ang magiging mahirap para sa kanya na pakisamahan at makasama sa iisang bubong ang isang Chairman Diosdado. Unang araw niya sa mansyon, panlalait na agad ang kanyang natamo. Paano pa kaya sa susunod na mga araw? Napatingala si Anasia maaliwalas na kalangitan. Sana may anghel na biglang bumaba at sasabihin sa kanya na huwag siyang mag-alala dahil maayos din ang lahat. “Huwag kang mag-alala, magbabago rin ang pakikitung

