*****REYNAN****** "Ako naman ay anak ni Mr. Henry Sy. Pag-aari namin lahat ng SM Mall," biro sa kanya ni Tyron. Hindi ito naniwala sa kanyang sinabi na siya ang tunay na anak ni Chairman Diosdado at hindi ang kasama nito sa larawan na tinitingnan nila ngayon sa laptop nito. "Totoo ang sinasabi ko, dude. Hindi ako nagbibiro," giit niya. "Anong tinira mo, dude? Share naman. Mukhang maganda ang tama niyan, ah. Baka maging anak ako ni Superman." Nagtatawa si Tyron. "Why don't you want to believe?" Nainis na siya. Napakamot siya sa kanyang ng ulo na animo'y bigla ay nagsulpotan ang mga kuto. "At sinong maniniwala sa 'yo, dude? Kung totoo ang sinasabi mo ay nasaan ang ebidensya? Sige nga?" hamon na sa kanya nito. Napa-"Oo nga pala!" siya sa kanyang isipan. "Wait. May ipapakita ako sa 'yo

