*****REYNAN***** Itinaas ni Reynan ang kanyang kamay. Habang hinihintay niya si Kwinee ay pinagmasdan niya ang kanyang wedding ring. Kuminang iyon dahil tunay na ginto. Biglaan man noon ang naging kasal nila ni Anasia ay binigyan niya ng pansin ang kanilang magiging wedding ring. Ginawa niya ang lahat maibigay lamang kay Anasia ang kasal na matino. Tapos ganito lang ang nangyayari! Damn! Nang ibaba niya iyon ay kay lalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Sa kawalan naman siya napatingin, sa dulo ng dagat. Inalala niya ang nangyari noong gabing iyon. Naalala niya nang tinanong niya si Anasia kung totoong asawa nito si Vernon tapos hindi ito sumagot. Nakapa niya ang kanyang dibdib. Hindi siya makahinga dahil sa naramdamang pagkirot ng kanyang puso. Nasasaktan siya kapag sinasa

