MATAPOS isuot ang kuwintas na ibinigay sa kaniya ni Rael, may ilang segundo pang tinitigan ni Dahlia ang sarili sa harap ng salamin bago napangito nang malapad. Sa dinami-rami ng alahas na mayroon siya, tanging sa kuwintas lamang na iyon siya nasisiyahan sa tuwing isinusuot niya at tinititigan ang sariling repleksiyon. Mula sa repleksiyon ng kaniyang mukha sa salamin, bumaba ang tingin niya ngunit wala namang particular na tinitingnan. Wala sa sariling ngumiti siya. Masaya siya noong mga sandaling iyon. Akala niya, puro kamalasan na lang ang mangyayari sa buhay niya, pero napatunayan niyang kapag nagsara ang pintuan, magbubukas ang Diyos ng isang bintana. May masamang tao mang nakapasok sa silid niya, nasaksak pa si Rael sa tagiliran, pero naging dahilan iyon para tuluyang malaman ng la