Hindi nagsalita si Don Devid, o maging si Butler Jose. Tinitigan siya ng mga ito nang seryoso. Waring hinuhusgahan na siya ng dalawa sa paraan ng pagtitig nila. "Babalik na lang ako mamaya, Don Devid." Tanging tango lamang ang itinugon ng don sa paalam ni Butler Jose. Nagsimulang humakbang ang lalaki, pero nang makalapit ito sa kaniya, sandali itong tumigil at tinitigan siya nang masama. Nang magtagpo ang mga mata nila ay hindi siya nagsalita at nagbigay lang ng daan para dito. Lumapit naman siya sa table ng don nang makalabas ang butler. Hindi siya nito binalingan ng pansin. Nakatuon ang tingin nito sa ibabaw ng mesa at nanatiling tahimik sa loob nang ilang sandali. "Sir." Sa sinabi niyang iyon, matalim ang mga matang tinitigan siya ng matanda. "Hindi na ako magtatanong, sinabi na s