GULAT na lumingon sa binatang si Rael ang lalaking nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa. Nagbalik sa alaala niya ang lalaking naengkuwentro niya noon sa hardin na kasing-katulad ng kasuotan nito ang suot. Nang makita naman siya nito, sandali pa itong natigilan bago napaatras. Matalim niya itong tinitigan. Naglakbay sa kabuuhan nito ang paningin niya upang makita kung may sandata ba itong dala. Pero nasisiguro niyang mayroon; walang tao ang susugod sa laban nang walang dalang sandata. Hinanda ng lalaki ang sarili nito bago patakbong sumugod sa kaniya. Nakipagsuntukan ito pero ang bawat sugod nito ay naiilagan niya. Sinubukan niyang hindi gumawa ng ingay dahil ayaw niyang magising si Dahlia. Ang lalaki naman ay ganoon din. Pilit itong hindi lumilikha ng kahit maliit na tunog, marahil dah