Chapter Forty-three |2|

1161 Words

Nang marinig ang sinabi nito, lalo siyang hindi nakapagsalita sa loob nang ilang segundo. Malakas na kumakabog ang puso niya. Para siyang dinuduyan sa payapang hardin. Ilang ulit siyang napalunok. Hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa bibig ng babae. Nagbawi ito ng yakap at sumisinghot na nagpahid ng luhang nakatakas gamit ng likod ng dalawang kamay. "First time mo kasing sabihin iyon. I'm sorry. Masaya lang ako." Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi niya. Mataman niyang pinagmasdan ang maamong mukha ng babaeng iniibig niya. Hindi niya mapigilan ang paglapad ng kaniyang ngiti. Ibang klaseng saya ang nararamdaman niya noong mga sandaling iyon. Kung puwede lang, nais niyang paulit-ulit na marinig ang mga katagang iyon sa mga labi ng dalaga. Humugot siya ng hangin bago ibinuga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD