MABILIS na nakaramdam ng kaba si Rael at dagling natigilan nang marinig ang boses ni Miss Jiya at ang ilan pang magkakasunod na katok sa pinto. "Dahlia? Dinner is ready. Open your door." Malalim ang paghingang binalingan niya si Dahlia saka sinubukan itong gisingin, pero kahit anong yugyog sa balikat ang gawin niya, bigo siyang magising ito. Malalim ang paghinga nito at halata ang pagod sa nahihimbing na mukha. Mukhang nasobrahan ito sa dilig. Mahigpit niya itong hinawakan sa magkabilang balikat saka siya tumayo. Bubuhatin niya sana si Dahlia, subalit napahinto siya nang marinig ang sinabi ng Miss Jiya sa labas ng silid. "Kataka-taka. Hindi naman nagla-lock ng pinto ang prinsesa." Sandali itong tumigil sa pagsasalita bago nagpatuloy, "Andeng, akin na ang susi ng kuwarto ni Dahlia." Ha