NAKANGITING bumaba ng hagdan si Paislee matapos nitong makaligo at makapag-ayos sa silid nito. Tumugon naman siya sa lahat ng lalaking tauhan na bumati sa kaniya habang naglalakad siya palabas ng mansiyon. Nakita niya kung paano nasaktan kanina si Dahlia sa sinabi niya. Ayaw man niyang saktan ang babae, ayaw rin naman niyang umasa pa ito sa wala. Kung mayroon mang higit na nakakikilala kay Rael, siya iyon. Limang taon na naging sila at alam na nila ang kuwento ng isa't isa. Nasisiguro niyang ginagamit lang nito si Dahlia para pagselosin siya. Well, tagumpay ito. Selos na selos nga siya at nasasaktan din, lalo na sa ginawa nito sa kaniya sa ospital. Subalit ngayon, alam na talaga ni Dahlia kung sino siya sa buhay ni Rael. Mas mabuti nang saktan niya ito ng katotohanan, kaysa naman umasa