KAHIT sa kadiliman, alam ni Rael na namumula ang pisngi ni Dahlia dahil sa biglang pagbaba nito ng mukha. Napalunok naman siya nang maisip ang mga bagay na gustong gawin sa dalaga. Isipin pa lamang ang mga iyon ay nag-iinit na nang husto ang katawan niya. Nananabik niyang hinawakan sa mga hita si Dahlia bago niya muling inangkin ang mga labi nito. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nagpatianod sa kaniya ang dalaga. Humiga sila sa damuhan at sinimulan niya itong hubaran. Mabibilis ang mga kilos niya. Matapos tanggalin ang lahat ng kasuotan nito ay sinunod naman niyang alisin ang sariling damit. Ilang sandali lang ang lumipas, pareho na silang hubo't hubad habang nakahiga sa damuhan. Kasalukuyan niyang pinapapak ang mga labi ni Dahlia. Naririnig nila ang malakas na pag-ihip ng hangin, mag