NAPANGITI si Rael nang makita ang nakasimangot na mukha ni Dahlia. Mabilis niya itong nilapitan at lumuhod sa paanan nito para magpantay ang mukha nila. Agad niyang ikinulong sa mga palad ang magkabilang pisngi ng babae, saka ito dinampian ng halik sa mga labi. "Mukhang nagtatampo ang flower ko, ah?" Pinisil-pisil niya ang namumula nitong pisngi. "Ang cute naman. Flower, alam mo bang parang siopao ang pisngi mo?" "Ano!" galit itong binalingan siya, bagay na ikinatawa niya lang. Nakangiti niyang hinagkan muli si Dahlia sa magkabilang pisngi. Lalo namang namula ang mukha ng dalaga. Bawat pagdampi ng mga labi niya sa pisngi nito, lalong pumupula ang mga iyon. Pinalis nito ang kamay niya sa magkabilang pisngi nito saka nakangusong umirap. "I hate you!" Pinagsalubong niya ang dalawang ki