"Nakakaselos na, ah? Nasa cellb phone na lang ang atensiyon mo. Wala na sa akin," aanimo'y nagtatampong saad niya. Mabilis namang ngumuso ang dalaga. "Ngayon lang naman, my bulldozer. Natutuwa kasi akong gamitin ito. Ang ganda." Muli nitong binalingan ang screen ng cell phone. Siya naman ay sumandal sa katawan ng puno at binuhay ang phone niya. Napangiti siya nang bumungad sa kaniya ang nakangiti nilang mukha ni Dahlia sa wallpaper. Binaling niya muli sa babae ang paningin. Malaki ang memory ng kaniyang phone, at balak niyang punuin iyon ng mga larawan nila ng babar, lalo na nito. Natigilan siya bigla nang nakangiting bumaling sa kaniya si Dahlia at umusog sa tabi niya. "Look, bulldozer, oh! Look!" Ipinakita nito ang screen ng cell phone na bigla naman ikinatigil dahil sa bumungad sa