HINDI na nito natapos pa ang sasabihin nang bigla niyang hinila ang kamay niya na hawak nito. Umiwas agad siya ng tingin at mariin na lumunok. "I have to go." Iyon lang at tumayo na siya saka mabilis na nagtungo sa mansiyon. Wala sa sariling naglakad siya hanggang sa marating ang bukana ng mansiyon at makapasok sa loob. Ayaw na niyang bumalik sa hardin dahil pakiramdam niya, nanghihina siya. Nanlalambot ang mga tuhod niya. Gusto niyang magkulong sa kuwarto at umiyak. Nais niyang kalimutan ang lahat ng narinig at magpanggap na hindi iyon nangyari. Not her sister and her boyfriend. Hindi niya matatanggap sakaling totoo ang mga sinabi nito. Nang maabot niya ang pangalawang palapag at malapit na sa kaniyang kuwarto, tuluyan siyang napahinto at saka kumapit sa pader sa kaniyang kanan para k