PATAKBONG bumalik si Rael sa taxi na pinag-iwanan nito kay Dahlia kanina upang sandaling bumalik sa mall. Dagli pang natigilan ang lalaki nang makitang nakatunghay siya sa labas ng bintana at nakikipag-usap sa binatang si Enryco. "Oh, Rael! Paalis na ako, e. Nakita ko lang si Dahlia." Mula kay Rael ay muli siyang binalingan ni Enryco. Ngumiti ito at pinakita ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. "Sige, Dahlia. I'll go ahead." Ngumiti rin siya sa binata sabay tumango. Nang tuluyan itong makaalis ay mabilis niyang binuksan ang pintuan ng taxi at lumapit sa lalaking si Rael. Kinuha niya ang isang kamay nito at maagap iyon hinaplos. "Are you okay, Rael?" Bakas ang lungkot at pag-aalala sa mga mata at buong mukha niya. Namumula kasi ang kamao ng binata at may maliliit na sugat. N