Chapter Eighteen

1025 Words

NAKATAYO si Rael sa tabi ng dalawang tauhan ni Don Devid na inutusan nitong samahan sila ni Dahlia sa pagpunta sa simbahan—sina Sanchez at Leroy. Maaga pa noong mga oras na iyon dahil binabalak nilang humabol sa pag-uumpisa ng misa. Bahagya niyang ginalaw-galaw ang ulo bago humawak sa kanang leeg. Kagabi ay tuluyan na silang nag-umpisa ng first training nila nina Leroy at Sanchez. Ipinaliwanag sa kaniya ng dalawa kung ano ang ituturo sa kaniya at mga kailangan niyang matutunan. Ang unang itinuro sa kaniya ng dalawa ay ang pakikipaglaban. Kung paano sumugod at paano sumangga sa mga atake. Marunong siya sa pakikipaglaban pero marami siyang natutunan sa dalawang lalaki. Sa kanila niya nalaman ang mga dapat punteryahin habang nakikipagsuntukan. Tamang tindig at maging ang tamang pamamaraan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD