Chapter Fifty-three

1001 Words

MATALIM ang mga matang sinalubong niya ang tingin ng lalaking si Rael. Sa lakas ng sampal niya ay nag-iwan ng pamumula sa pisngi nitong tinamaan ng palad niya. Dumilim ang mukha ng lalaki. Halata ang galit sa mga mata nito. Hinawakan siya nito nang mahigpit sa isang braso at inis na hinila palapit dito. "Ano bang problema mo!" pabulong ngunit matigas nitong sabi. Umiigtang ang panga nito sa galit. Nagtaas siya ng noo. Pilit pinapatapang ang sarili kahit na ang totoo, ibig na niyang umiyak sa nangyayari sa kanila. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Tuluyan siyang nagtaas ng tinig. Nanginginig pa ang boses niya sa tindi ng emosiyon na nararamdaman. Sa sandaling iyon, wala na siyang pakialam kahit marinig pa sila ng ibang tauhan ng don na nasa paligid ng pool area. Gusto niyang mailabas ang sam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD