Buong araw namang nakasunod sa kaniya si Leroy. Subalit kanina matapos mag-meryenda, sinabihan niya ang lalaki na umalis na. Tumigil siya sa tapat ng pinto ng silid ni Paislee. Matagal niya itong tinitigan bago nagpakawala ng hangin. "I'm sorry, ate." Bumaba ang tingin niya sa bagay na hawak niya sa isang kamay. Halo-halong emosiyon ang makikita sa mga mata niya. Nagniningning ang mga iyon dahil sa kasabikan, pero sa parehong pagkakataon, nalulungkot din siya dahil alam niyang may masasaktan sa magiging desisiyon niya. Humugot siya ng hangin bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang makababa siya sa lobby ng mansiyon, binati siya ng mga taong nakasalubong niya hanggang sa marating niya ang tapat ng pinto ng library. Kumatok siya nang ilang ulit at tuluyan iyong binuksan. "Oh, anak! Pasok ka!