BINALIKAN nga ako nila Sep at July dito sa bahay, at tinulungan ako sa paghahakot ng mga inihanda kong pagkain patungo sa falls. Dito ay mayroong tatlong malalaking kubo na yari lamang sa kawayan at mga moderno din ang design. Dito namin inilapag ang mga pagkain. Sila Novem, March at Aya naman ay nasa tubig at nagkakasayahan sa paglalangoy. Sa bahagi kung saan binabagsakan ng tubig ay malalim na parte. Safe naman dyan magbabad dahil sa taas niyan ay wala namang mga bato. Nagmumula sa mga bukal sa kabundukan ang mga tubig na bumabagsak dito. At may kalayuan din ang bundok kaya walang guguho dito sa ibaba. Bagaman, tumataas din ang tubig kapag tag-ulan sa hulo o sa tuwing may bagyo. Sa tuwing bumabaha ay hindi pa naman inaabot ang bahay namin dahil mataas ang bahaging iyon at nasa mababan