May-May "Ate May-May! Ate May-May!" Nagising akong muli sa pagsigaw ni Iko sa labas ng bahay namin. "Ate May-May! Ate May-May!" "Si Kuya Iko, Nanay!" Maging si Aya ay nagising na rin sa tabi ko at kaagad na bumangon. Nasa tabi pa rin niya ang giant teddy bear niya. "Ate May-May! Ate May-May!" muling sigaw ni Iko. Tumatahol na rin ang mga aso sa labas. Bumangon na rin ako at tinungo ang sliding door nitong balcony. Kaagad ko itong binuksan at lumabas. Sumalubong naman sa akin ang maaliwalas na umaga. Medyo sumisikat na rin ang araw sa silangan. "Kuya Iko!" Nauna pang dumungaw si Aya sa baba. Naroroon na si Iko at dala ang isang supot ng almusal. "Ang aga mo naman, Iko. Bakit ikaw na ang may dala niyan?" tanong ko sa kanya. "Dumaan na po si Potpot kanina, Ate May-May. Kinuha k