PADABOG kong ibinaba sa mesa dito sa patio ang mga niluto kong pagkain. 'Di ko mapigilang mainis sa anak ko! "Nanay, bibigay ko kay Daddy kape niya at pandesal!" aniya habang palukso-lukso sa harapan nitong mesa at nakatunghay sa mga ibinababa kong pagkain. Ang ama naman niya ay naririyan pa rin sa labas ng bakuran at nag-aabang lang din. "Akala ko ba sa susunod na linggo mo pa babatiin ang Daddy mo?" inis kong tanong kay Aya. Napatingala naman siya sa akin. "May pasalubong siyang Barbie sa 'kin, Nanay. Malaking Barbie, may bahay." "Ang dami mo nang Barbie dyan sa loob, 'di ba?" "Wala pa silang bahay, Nanay!" "Ang laki na nitong bahay natin para sa kanila." "Sarili nilang bahay! Ang laki-laki ng bahay natin, luwag-luwag sila dyan." Napahilot na lamang ako sa noo. "So, binati mo la