CHAPTER 115: Stayed up all night

1777 Words

May-May KINAHAPUNAN ay dumating si Ate April kasama ang tatlong anak nila ni Kuya Charles at ang yaya. Sakay sila ng isang cricket cart at pinagmaneho sila ni Sept. Tuwang-tuwa na naman si Aya dahil naririyan na naman ang mga kalaro niyang pinsan. Kami naman ay nagkausap nang masinsinan ni Ate April dito sa patio. "Hindi mo naman siya naging boyfriend noon, hindi ba? Ikaw na rin ang nagsabi niyan," aniya sa akin. "Yon pa nga lang na hindi ko pa siya boyfriend noon ay sobra na siya sa pagka-possessive. Paano pa kaya kung naging boyfriend ko siya?" sagot ko naman sa kanya. "Bakit hindi mo na lang subukan muna. Malay mo naman nagbago na siya," aniya sa akin. "Mahirap sumugal, Ate. Na-trauma na ako." "Sinasaktan ka ba niya noon? Pinagbubuhatan ka ba niya ng kamay?" "Hindi naman--" "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD