CHAPTER 116: Severed thumb

1234 Words

"NANAY, andyan si Daddy! May dala siyang mura, Nanay!" Tumatakbong lumapit sa akin si Aya dito sa kusina habang ako naman ay naghuhugas ng mga platong pinagkainan namin kanina. Katatapos lang naming mag-almusal. Kanina, noong bumaba kami ay wala na siya doon sa labas. Ang mga kapatid ko ay nagpaalam na munang magsisimba ngayong umaga. Niyayaya nila kami ni Aya, pero tumanggi ako dahil bukod sa matagal na akong hindi nagsisimba, mahina ang katawan ko ngayon dahil sa labis na puyat kagabi. Plano ko ngang matulog mamaya pagkatapos kong maglinis ng bahay. "Nanay, nandyan si Daddy sa labas! May dala siyang mura, madami!" ani Aya sa akin. Naririnig ko rin ang pagtahol ng mga aso sa labas. "Mura" ang tawag namin sa buko dito sa Mindoro. "Hayaan mo siya. Huwag mo siyang papapasukin," sagot ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD