CHAPTER 117: Taking care of him...

1361 Words

KANINA pa ako hindi mapakali dito sa bahay. Si Aya naman ay abala sa paglalaro ng mga Barbie niya sa harapan ng Barbie house niya. Kanina pa rin ako napapasulyap sa phone ko na nakapatong sa mini table. Muli akong naupo sa sofa at tinitigan ito. Tatlong oras na ang nakalipas simula nang mangyari ang aksidente, at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita. Wala pang tumatawag sa akin na kahit sino sa mga kapatid ko. Wala pa ring nagtutungo dito hanggang ngayon. Hindi na rin ako nakatiis pa, kaya kaagad ko itong dinampot. Tinawagan ko muli ang numero ni Ate April. Kaagad naman itong sumagot. "May-May—" "Ate, kumusta? Kumusta si Chane?" puno ng pag-aalala kong tanong. "Okay na siya, huwag ka nang mag-alala pa. Palabas na rin kami ngayon ng hospital." "K-Kumusta 'yong daliri niya? Naik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD