GABI na, pero hindi pa rin umaalis ang anak ng tukmol sa labas, at ngayon nga ay maghahapunan na kami ni Aya dito sa kusina. Hindi naman siya nagtatangkang pumasok dito sa loob. Hindi na rin bumalik ang mga kapatid ko, na mukhang nananadya na. "Nanay, kakain din si Daddy," ani Aya mula sa silya niya. Ako naman ay nagbababa na ng ulam sa mesa. "Sabihin mo dyan sa ama mo, na umuwi na sa mansion at doon kumain!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ni Chane sa labas. "May sakit siya, Nanay! 'Di siya makaka-drive!" malakas din namang sagot ng sperm, at sinamaan pa ako ng tingin. Manang-mana talaga! "Eh, 'di maglakad siya! Ang lapit-lapit lang naman ng mansion." "Gabi na, Nanay! Madilim sa daan!" "May mga ilaw sa daanan." "Wala siya kasama, oh." "Matanda na 'yang ama mo! Hin