MAAGA kaming nagising ni Aya kinabukasan, at pagbukas ko ng balcony ng silid namin ay natanaw namin si Chane na nagwawalis na ng bakuran. "Daddy!!" kaagad namang sigaw ng sperm sa tabi ko, na siyang ikinalingon sa amin ng ama niya. "Nagwawalis ka dyan, Daddy?!" Nagtanong pa. Kita na nga, eh. Ngumiti din naman at kumaway sa amin ang kanyang ama. Maaliwalas ang anyo niya at mukhang maganda ang gising. Pero ako, hindi kasi siya kaagad ang nakita ko! "Baba na 'ko, Nanay! Punta ako kay Daddy!" Kaagad namang tumakbo papasok sa loob ng silid ang bata. "Magdahan-dahan ka sa hagdan!" sigaw ko. "Opo!" Pagpasok ko sa loob ay nabuksan na kaagad niya ang pinto at kaagad na lumabas. Lumabas din ako at binantayan ang pagbaba niya sa hagdan. Maingat naman siya at humahawak sa railings. Maayos d