Chapter Twenty-eight

2316 Words

NADATNAN ni Jack si Gastor sa pagawaan ng sandata. Naghihinang ito ng mga bagong gawa na espada. Nag-iisa na lamang ito roon. Maaring nagpapahinga na ang ibang manggagawang elgreto at panday. “Bakit gising ka pa, bata?” tanong nito ngunit hindi siya sinipat. Abala ito sa ginagawa. “Hindi pa po ako makatulog,” tugon niya. “Hm, mukhang marami kang iniisip.” Huminto siya sa gawing kaliwa ng ginoo. “May nais lang po akong itanong sa inyo,” aniya. “Ano ‘yon?” Sinipat siya nito. “Tungkol po sa anak ninyong si Hazer?” Marahas na humarap sa kanya ang ginoo. “A-anong tungkol kay Hazer?” manghang untag nito. “Nais ko lamang malaman kung may malalim bang ugnayan si Hazer kay Haring Damon.” Balisang umiwas ng tingin ang ginoo. Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Ang totoo, dati silang mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD