KINABUKASAN na bumalik ng Golereo sina Jack at Haru. Nauna lang si Peter dahil may inutos dito si Sanji. Sa araw na iyon gustong makipagpulong ng mga lycan para sa planong pagpasok sa Embareo. Dumating din ang mga ignetos. Naroon sila sa malawak na bulwagan ng akademiya at pinamumunuan nina Sanji at Vulther ang pagsasalita hinggil sa kanilang paksa. “Malawak ang bayan ng Embareo, hindi natin tiyak ang panganib na nakaabang,” sabi ni Vulther. “Mukhang malabo na makarating tayo sa palasyo,” sabad naman ni Haru. Katabi ni Jack si Haru sa gawing kaliwa ng mahabang lamesa. Sina Vulther at Sanji ay magkatapat at nakaupo sa bawat dulo. Naroon din ang ibang opisyales ng Golereo at Lutareo. Dumalo rin ang punong mangangaso na si Omar matapos mapagpasyahan na sasama ito sa kanila. Sumingit naman