Chapter Twenty-nine

2644 Words

HABANG hinihintay ang paglitaw ng araw ay nanatili si Jack sa Buhay na Kapatagan. Tumutulong siya sa pagsasaka at paggawa ng tahanan ng mga ignetos. Masaya siya roon, pakiramdam niya bumalik siya sa probinsiya kung saan siya lumaki. Nagbubungkal siya ng lupa nang lapitan siya ni Emo. “Jack, nagpahatid ng mensahe si Sanji. Kailangan mo nang umuwi at mayroon kayong pag-uusapan kasama ang mga lycan,” batid nito. Binitawan niya ang kahoy na may malapad na dulo. Ito ang nagsisilbing pala nila. “Sayang, may gusto pa akong itanim,” aniya. “Hayaan mo na iyan kay Ato. Ilang araw na lang ay lilitaw na ang araw. Magsisimula na ang ating plano.” “Sige, maliligo lang ako sa batis.” Pagkuwan ay nagpaalam siya kay Emo. Pagdating niya sa batis ay napakubli siya sa likod ng punong kahoy. May mga bampi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD