Chapter Thirty

2370 Words

UMAALIWALAS na ang paligid, senyales iyon na malapit nang lilitaw ang araw. Nauna na si Jack sa batis kasama sina Raul at Luis. Nauna naman sa kanila sina Ato at Emo na pumasok sa bayan ng Embareo. Mahuhuli ang grupo nina Sanji at Vulther dahil ang mga ito ang susuyod sa paligid ng tahanan ng mga alipin. Sila naman ang papasok sa bahay ng mga tao. Hindi na makapaghihintay si Jack na mailigtas ang kanyang mga kapatid. Hindi maaring sabay-sabay silang lulusob dahil posibleng maramdaman ng mga bampira ang kanilang puwersa. “Tahimik ang mga bampira ngayon dahil alam nila na palabas na ang araw,” sabi ni Raul. Naglalakad sila sa gilid ng batis na mas mataas. Maaring may mga bampira sa ilalim ng tubig kaya hindi sila puwedeng lumapit. Sasalubungin sila ni Ato sa kaliwang bahagi ng Embareo at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD