HINDI pa rin nawawala ang hipnotismo kay Sara. Naroon na sila sa Golereo at inaasikaso ang mga taong nasagip nila. Mahigit dalawang-daang katao ang naroon kasama ang mga kailangan ng medical assistant. Mabuti na lang nagdala ng mga halamang gamot ang mga ignetos. Tumulong din ang mga lycan sa paggagamot. Dumating si Rodeo sa Golereo at isa-isang sinuri ang mga tao. Sinuri rin ang dugo ng mga ito, laway at ibang likido sa katawan upang matiyak na walang infection na maaring makahawa sa iba. Tinutukan nila ang mga tao na isinalang sa produksyon ng mga bampira. Ang iba na maraming dugong nawala ay kailangang salinan mula sa malulusog na tao. May sariling proseso ang lycan at elgreto upang gawin iyon na ligtas. Siyempre, iba pa rin ang proseso sa mga tao kaya kailangan pa ring dalhin sa ospi