NANG maayos na lahat ang kailangan niya ay hinarap ni Jack si Grego. Kailangan din niya itong makausap. Seryoso ito’ng pinagmamasdan siya. “Natutuwa ako’ng makita ang iyong pagbabago sa pisikal na katangian, Jack. Naging makisig kang binata,” puri nito. Ngumisi siya. “Salamat. Ano pala ang kailangan mo?” aniya pagkuwan. “Naramdaman ko ang presensiya mo kaya sumugod ako rito. Nais ka rin naming pasalamatan sa pagtulong na maibalik ang mga tao rito na ligtas.” Bahagya siyang napayuko. “Tungkulin ko ito. At saka, hindi lahat ng tao ay nailigtas namin. Marami pa ring naiwan sa kamay ng mga bampira,” malungkot niyang sabi. “Hindi bale, mababawi n’yo rin sila.” Bumuntong-hininga siya. “Gusto ko nang matapos ito. Naawa ako sa mga tao na nadadamay sa gulo. Habang tumatagal ay lalong lumalal