Chapter Thirty-three

2372 Words

SA iisang ward lang sina Bert at Sara. May anemia si Sara kaya kailangan nito ng ilang araw pang pahinga sa ospital. May resulta na rin ang ilang pagsusuri sa dugo nito. Wala namang mabigat na problema kay Bert, kulang lang ito sa nutrisyon. Pinayagan na rin ito ng doktor na umuwi. “Kuya, babalik ka pa ba roon sa ibabang mundo?” tanong ni Bert. Magkatabi silang nakaupo sa bench katapat ng kama kung saan nakahiga si Sara. Tulog pa ang dalaga. “Oo, kailangan. Hindi ko pa naililigtas ang Ate Alona mo,” aniya. “Naroon din si Ate Alona?!” gilalas nitong tanong. “Oo, kinuha rin siya ng mga hadeos.” Hindi na binura ni Emo ang alaala ni Bert sa ibabang bahagi ng mundo dahil aware na ito, maliban kay Sara na nagkaroon ng trauma kaya kailangang burahin ang nalalaman nito. “Bakit hindi ko siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD