ANG dalawang linggo na pananatili ni Jack sa lupain ng mortal ay katumbas ng dalawang buwan sa Altereo. Bumungad sa kanya ang balita na umatake ang mga embareon sa Golereo. May mga elgretong nasawi. Biglaan ang nangyaring pag-atake dahil sa galit ni Haring Damon matapos matuklasan ang pagkawala ng mga tao. “Maligayang pagbabalik, Jack!” bungad sa kanya ni Peter. Kapapasok lang niya sa akademiya. “Salamat. Pasensiya na natagalan ako’ng bumalik,” aniya. Inakbayan siya ni Peter. “Ayos lang iyon, ano ka ba? Naintindihan ka namin.” Iginiya siya nito patungo sa bulwagan. Naroon sina Sanji at Haru, sinusuri ang mga bagong sandata. “Mabuti narito ka na, Jack,” ani ni Haru, saka siya sinalubong. Tinapik nito ang kanyang balikat. “Kumusta ang sitwasyon sa mundo ninyo, Jack?” tanong naman ni San