PALUBOG na ulit sa tubig si Jack nang may sanga ng kahoy na nakatutok sa mukha niya. Kumapit muna siya rito bago tumingala. Hinatak siya ng butihing nilalang na nag-alok ng sanga. Nagawa pa niyang tadyakan sa leeg ang dalawang halimaw. Nabitawan ng mga ito ang paa niya. Sumubsob siya sa lupa. Nang palapit sa kanya ang dalawang halimaw ay tumihaya siya at hinugot ang kanyang espada mula sa kanyang tagiliran. Isa-isa niyang hiniwa sa baywang ang mga ito. Kaagad natunaw ang mga ito. Basang-basa na siya. Nang tumingala siya ay kulubot na mukha ang kanyang nakita. Napabalikwas siya nang upo. “T-Tero?!” bulalas niya. Nakatayo sa harapan niya ang dwendeng si Tero habang nakahalukipkip. “Ako nga, bata. Ang tagal din nating hindi nagkita,” nakangiting sabi nito. “Kuwan, ano’ng ginagawa mo ri