ALIW NA ALIW si Jack sa mga dwende. Lalong sumigla ang Buhay na Kapatagan sa pagdating ni Tero. Masaya rin siya para rito dahil sa wakas ay may maayos na itong tahanan. Kinagabihan niyon ay kasalo niya sa hapunan si Tero. Doon ito titira sa bahay niya. “Mukhang minahal ka nang husto ng mga ignetos, Jack,” nakangiting wika ni Tero. Nakaupo ito sa tapat niya, nagkakamay kumain. Ngumiti siya. “Sadyang matulungin at mababait ang mga ignetos,” sabi niya naman. “Oo nga, kaya ako’y naiinis sa aking sarili bakit pinagnakawan ko sila.” “Alam ko may dahilan ka at hindi iyon dahil gusto mo lang gumawa ng masama. Mabait kang nalililang, Tero.” “Ikaw pa lamang ang nagsabi niyan sa akin, Jack,” anito. Natawa siya. “Marahil ay ako pa lamang ang nakakita ng iyong kabutihan. Lahat naman ng nilalang a