SA Embareo… Nagugutom na si Celine ngunit wala pang nagdadala ng pagkain niya sa kanyang silid. Simula noong natuklasan ng doktor na ang dahilan ng madalas niyang pagkakasakit ay dahil sa pagkaing ihinahain ng mga bampira. Kaya nagpasya si Blake na kumuha ng tao na tagaluto ng kanyang pagkain. Sa kanyang silid ay nagpagawa si Blake ng munting hapag-kainan. Doon siya kumakain. Minsan ay sinasabayan siya ng binata. Wala siyang masabi sa pag-aalaga nito. Pakiramdam niya’y ginto siya na iniingatan nito. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Dagli siyang lumapit sa pintuan at pinagbuksan ang kumakatok. Sumigla siya nang makita si Yanyan, ang babaeng mortal na napili ni Blake na tagaluto ng kanyang pagkain. Hiniling din niya kay Blake na si Yanyan na rin ang kanyang alalay. Pumayag naman ito. N