BUMALIKWAS si Jack nang maramdaman niya ang nakapapasong init sa kanyang sikmura. Maikling oras pa lamang ang naitulog niya. Bumangon siya at nagnilay sa paligid. May nararamdaman siyang malakas na puwersa sa ‘di kalayuan. Pinuntahan niya si Tero na natutulog sa papag sa may kusina. “Tero, gising,” aniya habang inaalog ang balikat nito. “Bakit ka ba nang-aabala sa pagtulog?” reklamo nito. Umupo ito ngunit nakapikit. “May nararamdaman akong puwersa, malakas at hindi pamilyar,” bulong niya. Napamulagat si Tero. Nakiramdam din ito sa paligid at tinalasan ang pang-amoy. “May bampira sa paligid!” bulalas nito. Napatayo ito. Nataranta siya. Ano’ng ginagawa roon ng bampira? Kukunin sana niya ang kanyang espada ngunit pinigil siya ni Tero sa kanang hita. “Huwag kang kumilos na handang lumaba